Monday, July 9, 2018

GAS LIFE IS ❤


GAS LIFE
   
@Ayala HarBor Point, Friday–July 06 2018.
        GAS? General Academic Strand? Diba parang ganun rin yung BEC ng Junior High School? Bakit yun ang kinuha mo? — Dapat nag STEM ka nalang, SAYANG! — Huh? Bakit ka napunta diyan? Undecided ka? — Wooh! Ilang beses na natanong sa akin yan, since nagSenior High ako, like millionth times na. Noong una syempre napakaEXCITED ko pumasok na 'Wow! Lamko pangCollege level na toh!' "General? Edi ibig sabihin lahat aaralin namin? Luh Bigti na!!!" Hanggang sa 'tumigil ang mundo noong pumasok ako' —

          Mura here, Mura there haha nakakatawa. Ingay here, Ingay there yung tipong sigawan na magkatabi lang sila? Yung tipong akala mo nasa sabungan ka? And I was like "UMAYGAAD!!!" screaming inside " Ganito ba talaga dito? " Luh! Culture shock ako. Never akong napunta sa klase na ganito, as in! Sanay ako sa mga kaklase na tahimik,nakikinig kapag discussion pero bumibira kapag recitation at quizzes na, YES! buong klase namin dati ganun di naman purong nerdjack ang datingan pero kapag break time lang talaga ang kulitan.

         So ayun na nga, simula ng napunta ako sa GAS ang laking plot twist talaga sa buhay ko pero di ako nagsisisi. Oo maingay KAMI (hawa hawa na thisπŸ˜‚), pero there's more beyond that!

         Anong meron kami? Siguro napakaUNIQUE UNITY haha, sa ngayon kapag walang ingay nakakabahala na haha yun kasi ang DISTINCTIVE TRAIT NG GAS!πŸ˜‚ Napamahal na rin ako sa kanila, being with them helps me grow as person. Syempre kasi kailangan mong maging understanding at open-minded sa kanila. Tsaka nagkaroon ako ng mga kaibigan na nagpapaWORTH IT ng buong taon.

          GAS LIFE? SHS LIFE? Nakabase naman yan sa kung sino yung makakasama mo e, sandaling panahon lang yan lilipas rin agad. Sa una talaga mangangapa ka pa sa pakikipagkapwa tao sa kanila kasi iba iba kayo e. So enjoy nalang at iaccept ang kapalaran mo mwahaha.

Make the best of it!

YOLO!

P.S So yung picture above po ↑ ay ang pinaka-recent na bonding ng ilang GAs, nagkaroon ng time na mas maging close ang mga boys sa pictures at syempre kaming mga girls. Bumili kami ng foods and nagkaroon ng All Girls Talk habang nasa timezone ang mga boys. Yung barrier na meron dati? Yung differences? Luh! parang naglaho lahat and all is wellπŸ˜‚πŸ˜πŸ‘Œ.

Friday, July 6, 2018

Soul's Orb


       "Art imitates Life, however today it's the other way around wherein it is Life that imitates Art."

        First day of class, iyan din ang unang sentence sa librong binabasa namin ngayon actually after that nawala na ang pokus ko sa aming klase.

        We are now living in a demanding world – a fake and polluted one. And being practical is the wisest choice you could ever make. This world today is not for fainted heart, it's a world where dreaming a happily ever after is nothing but tyranny.

        Pero mali ba? Mali bang mangarap ng isang tunay na pag-ibig? Mali ba na umaasa na mamahalin rin ako ng taong mahal ko? Ang mga katanungan na yan ang gumugulo sa aking isipan simula ng makilala ko siya.

        Isang taon narin ang nakalipas noong una ko siyang nakita,-matangkad, gwapo, habulin ng mga babae, at may ngiting mapang-asar- tipikal na deskripsyon sa mga cassanova ngayon. Sa unang tingin ng normal na babaeng katulad ko ay nakikita ko na agad kung gaano karami ang napaiyak niyang babae at mapapaiyak pa sa hinaharap.

        Ngunit hindi ang mga katangiang iyon ang bumihag sa aking puso. Ang mga mata niya - puno ng kalungkutan. Ang mga mata na uhaw sa pagmamahal. Ito ang mga mata na maraming pinagdaanang sakit at kalungkutan, alam na alam ko ito dahil nakikita ko ang sarili kong repleksiyon sa mga mata niya na puno ng hirap at hinanakit.

        Lunch break noon ng makita ko siyang tumatawa kasama ng mga kaibigan niya sa hallway papuntang cafeteria. Napatigil sila ng may isang babaeng lumapit na may dalang lunch box at dahil malapit  lang ako sa pwesto nila ay rinig na rinig ko ang sinabi nito.

        "L-lor-renz, ta-tanggapin mo itong l-lunch na g-ginawa ko para sayo." Nauutal na sabi niya na tila ba ay nahihiya. Kung titignang mabuti napakaganda ng babaeng ito, mahaba ang tuwid niyang buhok, malaperlas sa puti ang kaniyang kutis, matangos ang ilong, marosas na labi at pisngi at malantik na pilik mata. Sikat na sikat siya sa aming eskwela dahil sa angking kagandahan at kabaitan niya - Faye ang kaniyang pangalan.

         Nakayuko niyang inabot ang lunchbox kaya kitang kita ko kung paano ngumise si Lorenz at ang kaniyang mga kaibigan. Inabot niya ang lunchbox at sinabi, "Hmm, tamang tama gutom na ako. Ano ba itong niluto mo Miss?"

        "Huh? ah Carbonara y-yan Lo--" 
        "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
        
         Di na natuloy ang sinasabi ni Faye ng biglang ibuhos sa kaniya ang laman ng lunch na iyon kasabay ng malakas na tawanan ng lahat ng nakakita ngunit nangunguna parin sa lakas ng tawa ang mga kaibigan ni Lorenz.

         "Ay sorry miss ! Dumulas kasi sa kamay ko hahaha.. Allergic kasi ako sa carbonara at malalanding katulad mo hahahaha"

         Ngingise-ngise na sambit ni Lorenz na lalong nagpalakas sa tawanan ng lahat sa hallway maliban sa akin. Dirin nagtagal ay nagpatuloy na sila ng lakad papuntang cafeteria habang naiwang nakayuko si Faye sa gitna ng nang-uusig na tingin ng kapwa niya kamag-aral.

         Naglakad na rin ako patungo sa cafeteria na tila walang nangyari ngunit sa ilang hakbang ko pa lamang ay nakarinig ako ng mumunting hikbi, napanting sa aking tenga ang bawat patak ng luha na umaagos mula sa mata ni Faye.

          Faye... bulong ng aking isipan ngunit nanaig parin ang aking gutom kaya nagpatuloy nalamang ako patungo sa cafeteria.

          Mainit na usapan pa rin ang nangyari kanina sa hallway, naririnig ko ang mga pamangutyang komento ng estudyante at ang malalakas na tawanan at papuri ng mga kaibigan ni Lorenz.

          Oo, sikat na sikat pa rin ang pambubully kahit dito sa kolehiyo. Tila iyon ang paraan ng mga mag-aaral upang mawala ng stress nila sa mga terror na professor at napakahirap na mga asignatura.
          Mapalad ako sapagkat wala pa ni isang beses akong napagtripan ng bully dito sa eskwela, siguro dahil na rin sa kawalan ng aking presensya. Hindi kasi ako palasalita nakukuntento na lamang ako sa pagmamasid sa aking paligid. Kaya naman di ko maiwasang pansinin kung paanong ang ngise at halakhak ni Lorenz ay pawang maskara lamang.

        Kung paano nakita ng karamihan ang ngise, tawa at pamamahiya ni Lorenz kay Faye ay tila ba nililinlang ako ng aking mata sa aking nakita. Nakita ko ang guilt sa mga mata niya, nakita ko kung paanong nag-alinlangan ang mga kamay niya sa pagbuhos ng Carbonara, nakita ko kung paano nag-aalala at naawa ang kaniyang ekspresyon bago umalis sa hallway kung saan naroroon si Faye. At sa kabila ng tawa at papuri ng kaibigan ni Lorenz nakita ko kung paano siyang walang ganang kumain na tila binabagabag ang kaniyang isipan.

        Nang araw na iyon napagtanto ko kung paano nabihag ang aking puso. Kung paano nais ko na yakapin siya at punuuin ng pagmamahal. Kung paanong ninanais ko makita ang tunay na saya sa kaniyang mukha. Nais kong makita ang totoong Lorenz. 

*Boogsh* 

        Nagising ako mula sa pagbabalik tanaw sa lakas ng tunog ng binalibag na pintuan, halatang karamihan sa amin ay nagulat maging ang aming professor na ay namumula sa galit ngayon. Bumilis ang tibok ng aking puso ng makita ko kung sino ang nagpasimula ng komosyong ito.

        "Mr. Lorenz Pascua! Learn how to knock, you are disturbing my class! 3rd year College ka na! kelan ka matututong pumasok on time?!!"

        "Yes, yes Maam! Di na po mauulit lalo na at napakaganda naman pala ng aking prof" mahinahong sagot ni Lorenz n a may kasamang kindat at ngiti na nagpakalma o nagpakilig sa aming guro.

         "Grabe talaga si Lorenz pati ang prof natin nilalandi! naku tigilan mo ako bessy nangigigil ako!" bulong ni Faye na katabi ko lamang. Tumango lang ako bilang kasagutan at tinapik ang kaniyang balikat.

          Tama kayo ng nabasa 2nd year college ko nakilala si Lorenz,sa nakalipas na taon marami na ang nagbago. Naging kaibigan ko si Faye, naging kaklase ko sa ibat ibang asignatura si Lorenz, nakuntento ako sa pagsulyap sa kaniya at lalong nahulog ang aking puso.


           Paano niya kaya nagagawa na ngumiti? Paano niya kaya naitatago ng ganiyan ang tunay na siya?

~Itutuloy...★★

MEDIA PERSPECTIVE ANALYSIS

KPL 2: RESBAK KAKAK NI MAM The almost 5-minute short is titled KPL 2: Resbak Kakak ni Mam. KPL stands for “kung pwede lang” or “if only...